Pasahe sa MRT-3, ‘di apektado ng TRAIN Law

Inquirer file photo

Pagagandahin at aayusin muna ng Department of Transportation ang kanilang serbisyo at pasilidad bago planuhin ang pagtaas ng pasahe.

Ito ang tiniyak ni Transportation Undersecretary for Rails TJ Batan kasabay na rin ng mga lumulutang na usapin ukol sa taas-pasahe sa mga pampublikong sasakyan dahil sa bagong tax reform package at excise tax.

Aniya aayusin muna nila ang isyu sa safety, reliability at security sa operasyon ng MRT upang hindi naman nakakahiya sa publiko.

Banggit pa niya, ito ay para na rin sa ibang rail system sa bansa, kabilang na ang Light Rail Transit (LRT) at Philippine National Railways (PNR).

Read more...