18 sugatan sa aksidente sa Pozorrubio, Pangasinan
Sugatan ang 18 pasahero, kabilang na ang dalawang bata, nang bumaligtad ang sinasakyang minibus matapos bumangga sa mga concrete barrier sa ginagawang tulay sa bayan ng Pozorrubio, Pangasinan.
Ayon kay SPO1 Dante Lozano, Pozorrubio police desk officer, binabagtas ng nasabing sasakyan ang northbound lane ng Manila North Road sa Barangay Bobonan nang maganap ang aksidente.
Karamihan sa mga pasahero ay tubong Baguio City at may dinaluhan lamang na Bible mission sa Tarlac.
Nabatid na apat na taong gulang ang pinakabata sa mga pasahero.
Nakilala ang mga biktima na sina:
Christian Ambojnon, 18;
Cyrelle Serquenza, 31;
Wifalyn Ricardo, 28;
Elizabeth Serna, 21;
Janna Jaramillo, 18;
Rene Jaramillo, 48;
Shirelyn Castro, 39;
Sophia Harmony Castro, 8;
Lycca Abalde, 16;
Cristine Pajarillaga, 30;
Beejey Castro, 4;
Javy Jaramillo, 16;
Stephanie Ragas, 16;
Julie Ann Dalisdis, 18;
Jane Catanglan, 33;
Pablo Soriano, 51;
Jhunie Naciza, 26;
at ang driver na si Edwin Leonard Domenden III, 25.
Lahat ng mga sugatang biktima ay dinala na sa Pozorrubio Community Hospital para sa atensyong medikal.
Iniimbestigahan na ngayon ng mga otoridad kung bakit hindi nagawang iwasan ng driver ang mga concrete barrier.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.