Taliwas sa nais ni Pangulong Rodrigo Duterte, malamig ang tugon ng Department of Budget and Management (DBM) sa planong pagtaas sa sweldo ng mga guro sa pampublikong paaralan.
Katuwiran ng DBM, ang umento sa sahod ng mga public school teachers ay mangangailangan ng karagdagang 500 Billion Pesos sa gubyerno.
Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, malaking pera ang kailangan dahil nasa 600 libo ang bilang ng mga guro, at ang sweldo pa lamang nila ay nasa kalahating trilyong piso na.
Kapag dinoble umano ang sweldo ng mga guro, kailangan ng naturang halaga bilang dagdag na pondo.
Paliwanag pa ni Diokno, na sa ngayon ay hindi prayoridad ng ahensya ang dagdag-sweldo ng mga guro, kundi ang mga nakapaloob sa ‘Build, Build, Build Program’ ng pamahalaan, at ang pangangalaga sa mga mahihirap.
Ito ang naging tugon ng kalihim matapos ang pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na inutos umano ng Pangulo ang umento sa sahod ng mga guro.