Singil sa kuryente, bababa ngayong Enero – MERALCO
Magpapatupad ng kaltas sa singil sa presyo ng kuryente ang Manila Electric Company (MERALCO) ngayong buwan ng Enero.
Ayon kay Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng MERALCO, bababa ng P0.526 per kilowatt hour ang singil sa kuryente ngayong buwan.
Ayon kay Zaldarriaga, dahil ito sa mas murang kuryente na galing sa kanilang mga supplier.
Narito ang katumbas na kuwenta ng bawas-singil na P0.526/kWh sa January bill ng MERALCO:
Konsumo – Presyo
200 kWh – P 105.20
300 kWh – P157.80
400 kWh – P210.40
500 kWh – P263.00
Pero paliwanag ni Zalderriaga, kung may kaltas sa bill ngayong Enero, asahan naman ang dagdag-singil sa February bill dahil sa epekto ng mga bagong buwis tulad ng Excise Tax sa coal, at Value-Added Tax (VAT) sa transmission charge.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.