Ex-Sen. Bongbong Marcos, hindi tatakbo sa pagka-Senador sa 2019

Inquirer file photo

Nanindigan si dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na hindi siya tatakbo sa pagka-Senador sa 2019 para tapusin ang kanyang electoral protest laban kay Vice President Leni Robredo.

“I am not running for Senate in 2019. Tatapusin ko ang petisyong ito dahil naniniwala ako na tapat ang aking laban… I am determined to finish with this petition. Hindi ko titigilan ito,” ayon kay Marcos.

Paliwanag ni Marcos, mahalagang malaman ng taumbayan kung ano ang tamang resulta at kung sino ang tunay na nanalo sa nagdaang eleksyon.

Dagdag pa ni Marcos, kahit pa i-endorso siya ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo muli sa pagka-Senador, hindi siya titigil sa kanyang electoral protest laban kay Robredo.

Una nang inakusahan ni Marcos si Vice President Robredo ng umano’y pandaraya noong 2016 elections matapos siyang talunin sa pamamagitan ng 230,000 na boto.

Read more...