Tiwala si Senator Franklin Drilon na hindi ang pagpapalawig ng termino bilang Senador ang pakay ni Senate President Aquilino ‘Koko’ Pimentel sa pagsusulong nito ng Charter Change sa pamamagitan ng Constituent Assembly.
Ayon kay Drilon, bagaman huling termino na ni Pimentel at hindi na ito maaring tumakbo para sa re-election, naniniwala si Drilon na mas disente umano si Pimentel para magkainteres sa term extension.
Kumpyansa si Drilon na hindi boboto si Pimentel sa isang probisyon na alam niyang ‘self-serving’ o kapakipakinabang para kay Pimentel dahil alam ng Senador na magiging tampulan lamang siya ng pagbatikos ng taong bayan.
Magtatapos ang termino ni Pimentel sa 2019 katulad nina Senators Chiz Escudero, Gringo Honasan, Loren Legarda, at Antonio Trillanes.