Planong umento sa sahod para sa mga public school teachers dapat lang – Rep. Tinio
Welcome para kay ACT-Teachers Rep. Antonio Tinio ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais nitong taasan ang sahod ng mga public school teachers.
Ayon kay Tinio, mahalaga ang intensyon ng Pangulo dahil taliwas ito sa naging pahayag ni Budget Secretary Benjamin Diokno na ‘too ambitious’ ang nais na karagdagang suweldo ng mga guro.
Kabaligtaran din ayon kay Tinio ang nais ng Pangulo sa sinabi ni Education Secreatry Leonor Briones na sapat na ang sahod ng mga public school teachers at ang kailangan lamang ay magkaroon ang mga ito ng financial literacy.
Iginiit ni Tinio na nararapat lamang para sa mga guro ang mataas na sahod gayundin ang lahat ng empleyado ng pamahalaan kung saan hindi anya dapat bababa sa P16,000 ang minumum rate ng mga public school teachers.
Sa ngayon, ayon sa mambabatas hihintayin nila ang pormal na proposal mula sa DBM para sa nasabing umento sa sahod.
Samantala, kinontra naman ng progresibong mambabatas ang naging pahayag ng tagapagsalita ng palasyo na nakadepende sa pagpasa ng second tax reform proposal ang pagtaas sa sahod ng mga guro dahil palagi anya sinasabi ng Deparment of Finance na ang tax reform ay para pondohan ang mga infrastructure pproject ng pamahalaan.
Dahil dito, nanawagan si Tinio sa administrasyon na huwag gamitin sa kanilang propaganda para sa dagdag na buwis ang mga guro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.