Eleksyon, sagot sa sigalot sa Philippine Olympic Committee – Rep. del Rosario

By Rhommel Balasbas January 10, 2018 - 12:53 AM

 

Umaasa ang Olympian at Makati Rep. Monsour del Rosario na maaayos ang kontrobersiya sa pamunuan ng Philippine Olympic Committee.

Ayon kay del Rosario, dapat ay ayusin ni POC President Jose Cojuanco at ang numero uno niyang kalaban para sa pwesto na si Ricky Vargas ang isyu.

Anya, kung ang eleksyon ang tanging paraan upang maayos ang kontobersiya sa pamamahala ay dapat ibigay ng mga national sports associations (NSA) ang kanilang suporta sa mga mananalo.

Naipanalo ni Cojuangco ang halalan noong 2016 matapos i-disqualify ng POC COMELEC sina Vargas at Abraham Tolentino dahil sa hindi umano aktibo ang mga ito bilang member ng POC na isang major requirement para sa halalan.

Gayunman, idineklara ng Pasig City Regional Trial Court na ang naturang eleksyon ay “null ad void” at ipinag-utos ang bagong halalan sa pagkapangulo at chairman sa Feb 23.

Maraming NSA ang nais baguhin ang istruktura ng POC.

Iginiit ni del Rosario na sakaling manalo pa rin si Cojuanco ay dapat magkaisa ang lahat sa kanyang pamamahala..

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.