Kita ng MMFF 2017, higit P1-bilyon na

By Rhommel Balasbas January 10, 2018 - 12:23 AM

 

Inihayag ng pamunuan ng Metro Manila Film Festival (MMFF) na lumampas na sa isang bilyong piso ang kinita ng film fest sa 14 araw na pagtakbo nito sa mga sinehan.

Sa pinakahuling tala ng MMFF executive committee, tumabo na ang kinita ng 43rd MMFF ng 1 billion at 40 million pesos.

Ang naturang kita ay halos pumantay sa kinita ng film fest noong taong 2015.

Nagpasalamat ang pamunuan sa suporta ng mga Filipino sa edisyon ng MMFF noong 2017 ngunit tumanggi pa ring banggitin ang kinita at ranggo ng bawat isang pelikula.

Sa isang tweet naman na may caption na “520 Million THANK YOUs sa lahat ng members ng #TeamHappy” ay tila nagpasaring si Vice Ganda sa kinita ng pelikula niyang The Revenger Squad.

Isang magandang balita naman ang ang inihayag ng MMFF sa mga manonood dahil extended ang showing ng mga pelikula sa ilang mga sinehan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.