BDO nag-iimbestiga na sa reklamong ‘unauthorized withdrawals’ ng kanilang mga kliyente

 

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pamunuan ng Banco De Oro (BDO) sa mga umano’y hindi otorisadong withdrawal na inirereklamo ng ilan sa kanilang mga kliyente nitong nakalipas na buwan.

Sa pamamagitan ng isang statement, kinumpirma ng BDO na tumaas ang mga reklamong kanilang natanggap mula sa mga kliyente na nabibiktima ng hindi otorisadong bank withdrawals mula sa kanilang mga account.

Bukod pa ito sa mga inirereklamong ‘questionable purchases’ ng ilan sa kanilang mga account holders nang walang pahintulot mula sa mga ito.

Ayon sa pamunuan ng BDO, ilan sa mga reklamo na kanilang tinanggap ay mula sa mga OFW na nabibiktima ng mga unauthorized withdrawals and purchases.

Giit ng BDO, kanilang isinasalang na sa malalimang imbestigasyon ang bawat isa sa mga reklamo upang matukoy ang pinagmumulan nito ng mga kuwestyunableng transaksyon.

Nananawagan naman ang BDO sa kanilang mga kliyente na panatilihing pribado ang kanilang mga bank account information at iwasang ikalat ito sa social media upang hindi mabiktima ng mga phising at skimming scam ng mga kriminal.

Read more...