Balak ng militar na bumuo ng mga pasilidad sa mga islang hawak ng bansa sa Spratlys para sa mga Filipinong mangingisda.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, ang konstruksyong ito ay bahagi ng mas malaking rehabilitation project para sa Kalayaan group of Islands.
Umaasa anya siya na ang planong ito ay hindi magbubunga ng protesta mula sa China dahil ang layon naman nito ay para sa mga mangingisdang Pinoy.
Iginiit ng kalihim ang kasalukuyang magandang paraan ng komunikasyon ng Maynila at Beihing sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs.
Matatandaang naging malaki na ang reclamation projects ng China sa South China Sea at iprinotesta rin ang pagbisita ni Lorenzana at iba pang mga opisyal sa Pag-asa island noong 2017.