Sa pagdating ng imahe sa harapan ng simbahan ng San Sebastian, isinagawa ang tradisyunal na ‘Padungaw’ o ang pagsilip ng imahe sa imahe ng Our Lady of Mount Carmel na pansamantalang inilalabas ng simbahan.
Sinisimbolo ng tradisyon ang pagkikita nina Hesus at ng Birheng Maria bago isakatuparan ang pagpapako sa krus sa bundok ng Golgota.
Inabot ng labimpitong oras bago naisakatuparan ang ‘Dungaw’ ngayong taon.
Sa paghinto ng imahe ng Nazareno sa tapat ng Simbahan, agad na nagsisigaw ng ‘Viva Hesus Nazareno’ ang mga deboto.
Makalipas ang mahigit labinlimang minuto, muling sinimulan ang paghahatid sa imahe ng Itim na Nazareno sa Simbahan ng Quiapo.