Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito ay bahagi ng pagsisikap ng pangulo na linisin ang burukrasya laban sa mga tiwaling opisyal.
Kabilang aniya sa sisilipin ng pangulo ang mga lokal na opisyal ng ARMM.
Giit ni Roque, kahit noon pa man ay malinaw na ang direksyong tintahak ng Duterte administration na pagsugpo ng korupsyon sa pamahalaan.
Matatandaang una nang sinibak sa puwesto ng pangulo ang ilang opisyal dahil sa ilang mga kuwestyunableng pagbiyahe ng mga ito palabas ng bansa.
Kabilang na rito sina Terry Ridon na dating chairman ng Presidential Commision for the Urban Poor at Maritime Industry Authority (MARINA) administrator Marcial Amaro III.