Mga corrupt na lokal na opisyal, isusunod ni Pangulong Duterte

By Jay Dones January 10, 2018 - 01:01 AM

 

Matapos ang pagsibak sa ilang mga miyembro ng kanyang Gabinete, isusunod naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglilinis sa hanay ng mga lokal na opisyal sa ibat ibang panig ng bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito ay bahagi ng pagsisikap ng pangulo na linisin ang burukrasya laban sa mga tiwaling opisyal.

Kabilang aniya sa sisilipin ng pangulo ang mga lokal na opisyal ng ARMM.

Giit ni Roque, kahit noon pa man ay malinaw na ang direksyong tintahak ng Duterte administration na pagsugpo ng korupsyon sa pamahalaan.

Matatandaang una nang sinibak sa puwesto ng pangulo ang ilang opisyal dahil sa ilang mga kuwestyunableng pagbiyahe ng mga ito palabas ng bansa.

Kabilang na rito sina Terry Ridon na dating chairman ng Presidential Commision for the Urban Poor at Maritime Industry Authority (MARINA) administrator Marcial Amaro III.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.