Senado, tiyak na bubuwagin sa oras na magpalit na ng sistema ng gobyerno-Drilon
Kumbinsido si Senador Franklin Drilon na tuluyang bubuwagin ang Senado sa oras na matuloy ang panukalang pagpapalit ng sistema ng gobyerno sa pamamagitan ng charter change.
Ito ang reaksyon ni Drilon sa paglutang ng mga panukalang pagpapalit ng sistema ng gobyerno patungo sa parliamentary-federal form of government.
Ayon kay Drilon, sa ibang bansa kung saan umiiral ang parliamentary form of government, karaniwan ay nawawalan ng saysay at mistulang pormalidad lamang ang Mataas na Kapulungan at ang nananatiling dominante ay ang Mababang Kapulungan
Ito umano ang dahilan kung bakit nagpahiwatig ng pagkabahala si Drilon sa mga pag-atake sa Senado ni House Speaker Pantaleon Alvarez
Paliwanag ni Drilon, maaring ituring na istratehiya ito ni Alvarez para maipakita na walang saysay ang Senado at maari naman itong i-abolish kung magpapalit ng sistema ng gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.