Death Penalty Bill posibleng bitayin lang sa Senado-Lacson

By Ruel Perez January 10, 2018 - 12:31 AM

 

Walang katiyakan na maipapasa sa Senado ang panukalang ibalik ang death penalty sa bansa.

Sa pagtantiya ni Senador Panfilo Lacson, sa ngayon ay malabo umanong makakuha ng majority vote ang panukala.

Dagdag pa ni Lacson, maging si Senate President Koko Pimentel ay boboto laban sa panukalang pagbabalik ng bitay.

Kaugnay nito, hindi naman umano nakakaramdam ng pressure sa pagpapasa nito si Sen Tito Sotto.

Ayon kay Sotto, dalawang taon na niya iminumungkahi ang pagdinig sa panukalang pagbabalik ng death penalty sa bansa partikular sa mga krimen na may kinalaman sa ilegal na droga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.