Liberal Party umapela ng pagkakaisa tulad ng nagaganap sa Traslacion

By Ruel Perez January 09, 2018 - 04:48 PM

Nakikiisa ang Liberal Party sa mga maraming deboto ng itim na Nazareno na ngayon ay nakatutok sa Traclacion.

Ayon kay LP President Senador Francis Kiko Pangilinan, kaisa sila ng mga deboto na naniniwala sa katubusan mula sa paghihirap.

Aniya, ang Black Nazarene ay simbolo ng paghihirap at pagdurusa ng Panginoong Hesukristo na hindi sumuko para iligtas sa kasalanan ang tao.

Iginiit ni Pangilinan, Filipino ang Black Nazarene na nagdusa dahil nagmamahal ng kapwa.

Subali’t may katapusan din ang pagtitiis dahil natatapos ang pasanin sa sama-samang paghila ng lubid ng andas.

Hinimok naman ni Pangilinan ang sambayanan na panatilihin ang ispirito ng pagkakaisa at maging halimbawa ang itim na Nazareno sa ginawang pagmamahal nito sa mamamayang Filipino.

TAGS: Black Nazarene, liberal party, pangilinan, quiapo, Traslacion, Black Nazarene, liberal party, pangilinan, quiapo, Traslacion

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.