Bilang ng mga nasaktan sa pagpapatuloy ng Traslacion tumataas ayon sa Red Cross

Philippine Red Cross

Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nirerespondehan ng Philippine Red Cross na mga nasaktang deboto ng Black Nazarene kaugnay sa pagpapatuloy ng Traslacion.

Sa kanilang update kanilang alas-dos ng hapon, umakyat na sa 671 ang kanilang natulungan.

Umaabot sa 257 sa mga ito ang dumanas ng pagkahilo dulot ng mataas na blood pressure.

Nasa 241 naman ang bilang ng mga nasugatan at 22 sa mga ito ang isinugod sa ospital.

Isang lalaki rin ang naiulat na nagkaroon ng neck and spine injury makaraan siyang mahulog mula sa itaas ng Andas ng Itim na Nazareno.

May mga nagtami rin ng sugat sa kanilang mga paan dulot ng mga natapakang bubog at barbeque stick.

Bukod sa Philippine Red Cross, nakahanda ring magbigay ng first aid ang ilang medical volunteers mula sa Metro Manila Development Authority (MMDA), Department of Health at iba pang mga grupo.

Read more...