Dagdag sweldo para sa mga guro malapit na ayon sa Malacañang
Inilabas na ng Malacañang ang detalye kaugnay sa dagdag sahod ng mga gurona matatanggap nila ngayong taon.
Sinabi ni Preisdential Spokesman Harry Roque na inuna lamang ng gobyerno ang dagdag na benepisyo ng mga pulis at sundalo at isusunod na dito ang mga guro sa mga pampublikong paaralan.
Huhugutin ang dagdag sweldo mula sa malilikom na dagdag na buwis mula sa tax reform package ng pamahalaan.
Nakatakda na ring isumite ng Department of Budget and Management ang mekanismo para sa salary increase ng mga guro ayon pa kay Roque.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na magiging prayoridad ng kanyang administrayon ang pagtataas ng sweldo para sa lahat ng mga kawani ng gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.