MRT, muling nakaranas ng aberya ngayong araw; higit 800 na pasahero, pinababa
Sa ikalawang pagkakataon, muling nakaranas ng aberya ang Metro Rail Transit 3 ngayong araw ng Martes.
Nasa 820 na pasahero ang pinababa sa Shaw Boulevard station northbound sa Mandaluyong City.
Sa abiso ng DOTC-MRT 3, naganap ang insidente kaninang 10:02 ng umaga matapos pumalya ang automatic train protection (ATP).
Ayon sa pamunuan ng MRT, posibleng depektibo o sira na ang ATP o signaling error.
Una nang nagpababa ng siyamnaraang pasahero sa kaparehong istasyon kaninang 8:19 ng umaga.
Hindi sumarang pintuan ng train ang naging dahilan ng aberya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.