Pilipinas, target na gawing ‘drug-free’ sa 2022 ayon sa PDEA

By Mariel Cruz January 09, 2018 - 11:28 AM

Photo: Cebu Daily News/Junjie Mendoza

Target ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Aaron Aquino na gawing ‘drug-free’ ang Pilipinas hanggang sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.

Sa isang panayam, sinabi ni Aquino na layunin ng PDEA na i-clear ang limang libong barangay na apektadong ng iligal na droga kada taon.

Para maabot aniya ang nasabing layunin, sinabi ni Aquino na ipinag-utos na niya sa mga regional directors ang pagsasagawa ng hindi bababa sa 30 hanggang 40 na anti-drug operations kada buwan.

Bumuo na rin aniya siya ng isang komite na magbabantay sa progreso ng kada regional office.

Sa ngayon, sinabi ni Aquino na nasa 5,100 na barangay ang idineklarang drug free.

Una nang iniulat ng PDEA na 49.65 percent o 20,872 sa kabuuang 42,036 na barangay sa bansa ang apektado ng iligal na droga.

Sa kabuaang bilang ng mga apektadong barangay, nasa 208 lamang ang “seriously affected” at 6,744 naman ang “moderately affected” habang 13,920 ang “slightly affected”.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.