Binay-Marcos tandem, tuloy na

By Arlyn Dela Cruz September 25, 2015 - 01:46 PM

binay bongNaganap ang unang pulong nina Vice President Jejomar Binay at Senator Ferdinand Marcos Jr. kamakailan sa tahanan ng isang kilalang spiritual leader ng isang malaking religous group.

Ayon sa mapagkakatiwalaang source, ito ang unang pormal na pagkikita nina Binay at Marcos dahil ang mga naunang negosasyon ay ginawa lamang sa pagitan ng mga intermediaries.

Kasama ni VP Binay si Navotas Congressman Toby Tiangco samantalang si Marcos ay sinamahan ng kanyang asawang si Liza sa pulong na tumagal ng higit dalawang oras.

Nauna rito, marami rin ang nakakita sa paghaharap ni VP Binay at former First lady Imelda Marcos sa burol ng dating Human Settlements Minister Jolly Benitez kamakailan.

Ayon pa sa source ng Radyo Inquirer, marami pang pulong ang nakatakda ngayon at sa mga susunod na araw upang ayusin ang ilan pang detalye ng pagsasanib ng puwersa nina Binay at Marcos sa ilalim ng partido UNA.

Isang malaking press conference ang itinakda sa susunod na linggo upang pormal na ilunsad ang dalawa bilang mga opisyal na kandidato ng opisisyon para sa halalan sa 2016.

TAGS: binay-marcostandem, binay-marcostandem

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.