Traslacion 2018, posibleng ulanin ayon sa PAGASA

By Mariel Cruz January 09, 2018 - 08:25 AM

Malaki ang tsansa na makaranas ng pag-ulan ang libu-libong deboto ng Itim na Nazareno na lumalahok sa Traslacion ngayong araw.

Ayon sa PAGASA, makararanas ng localized thunderstorms ang Metro Manila at ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Maaaring din itong magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa sa nabanggit na mga lugar.

Inaasahang bandang hapon mararanasan ang nasabing mga pag-ulan.

Samantala, panaka-nakang malakas na pag-ulan naman ang iiral sa Aurora, Quezon, Bicol Region, Caraga, Davao Region at Soccskargen dahil sa easterlies o hangin mula sa silangan.

TAGS: Traslacion 2018, Traslacion 2018

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.