18 lalaki, inaresto sa Maynila para matiyak ang seguridad sa Traslacion

By Mark Makalalad January 09, 2018 - 07:54 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Arestado ang 18 katao sa ikinasang SACLEO o Simultaneous Anti-Crime and Law Enforcement Operation sa Palanca St. sa San Miguel, Maynila na malapit sa dadaanan ng Traslacion.

Tatlo sa kanila ang nahulihan ng mga sachet ng shabu habang ang iba ay hinuli dahil sa iligal na pagsusugal sa kalsada.

Nakilala ang tatlong suspek na sina Edres Guindolongan, Solais Mama, at Jommel Bora.

Si Guindolongan ay nakuhanan din ng 9 mm pistol.

Ayon sa Manila Police District Station 8, tuwing bisperas ng Traslacion, nagsasagawa talaga sila ng anti-criminality operations para matiyak na ligtas ang mga dadalo sa Traslacion.

Habang rumoronda, gabi ng Lunes, nakita raw nila ang mga kalalakihan na nagsusugal at dito na nila ito nilapitan.

Nang makapkapan isa-isa, nakuhanan na nila ito ng iligal na droga at baril.

Mahaharap sa kasong illegal possession of drugs ang tatlo, dagdag na kaso naman kaugnay sa paglabag sa gun ban ang kakaharapin ni Guindolongan habang illegal gambling naman sa iba pang nahuli.

TAGS: Traslacion 2018, Traslacion 2018

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.