China inalerto sa posibleng pagsabog ng isang dambuhalang oil tanker
Pinangangambahang sumabog ang isang malaking oil tanker na kasalukuyang nagliliyab sa east coast ng bansang China.
Sa ulat ng Shanghai Maritime Bureau, nabangga umano ng Panama-registered tanker na Sanchi ang isang cargo boat malapit sa karagatang sakop ng Tangtze District.
Isa na ang naitalang patay samantalang nawawala ang 30 Iranians at dalawang Bangladeshi na pawang mga crew ng nasabing oil tanker.
Kaagad na inilatag ng mga otoridad ang 10-nautical-mile avoidance area mula sa kinaroroonan ng Sanchi dahil anumang oras ay maaari umano itong sumabog.
Ang sampung taon gulang na 85 tonnage na Sanchi ay may habang 275 meters na halos ay kasinglaki ng isang aircraft carrier.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.