DTI inakusahan ng cover-up sa Train Law

By Erwin Aguilon January 08, 2018 - 05:29 PM

Inquirer photo

Kinastigo ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate si Trade and Industry Sec. Ramon Lopez kaugnay sa pagpapakalat ng fake news ukol sa Train Law.

Ayon kay Zarate, panloloko sa taumbayan at matinding cover-up ang ginagawa ni Lopez may kinalaman sa masamang epekto ng tinawag nitong regressive tax reform measures ng administrasyon.

Sinabi ni Zarate na sa halip na sisihin ng kalihim ang mga kritiko ng Train law mas mabuting huminto na ito sa kanyang mga pahayag na mapanlinlang.

Paliwanag ng mambabatas, lumabas na ang katotohanan kung saan hindi totoo ang administrasyon sa kanilang pahayag sa negatibong epekto ng Train Law lalo na sa mga mahihirap na Pinoy.

Inihalimbawa nito ang naging pahayag ng IBON Foundation kung saan binaligtad nito ang pahayag ng pamahalaan na 6.8 milyong Pinoy ang makikinabang sa Train Law.

Sa katotohanan anya, umaabot lamang sa 4.5 milyon ang makikinabang habang 15.2 milyong mahihirap maapektuhan partikular ba sa malaking halaga na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Idinagdag nito na sa ilalim ng Train Law, ang isang tao na kumikita ng P5,000 ay mababawasan ng P650 kada taon pero ang CEO ay madadagdagan pa ang kikitain nito ng P890 kada taon.

TAGS: ibon foundation, Ramon Lopez, train law, zarate, ibon foundation, Ramon Lopez, train law, zarate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.