Mga tauhan ng PDEA binulaga ng surprise drug test

PDEA photo

Muling nagdaos ng surprise na drug test ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kanilang hanay.

Isinagawa ang surpresang mandatory drug test umpisa kanina 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon sa mahigit 600 na empleyado at ahente sa National Headquarters ng PDEA sa Quezon City.

Ito na ang pangalawang mandatory test na isinagawa ni PDEA Director General Aaron Aquino mula nang manungkulan sa ahensya.

Ang mga hindi makikiisa sa drug test ay pagpapaliwanagin ni Aquino.

Malalaman ang resulta ng drug test sa loob ng tatlong araw.

Ayon kay Aquino, lahat ng magpopositibo sa drug test ay isasailalim nila sa confirmatory test.

Ang mga muling magpopositibo dito ay paiimbestigahan sa kanilang internal affairs at depende sa resulta nito ay posibleng sampahan ng kaukulang kaso.

Read more...