Sen. Lacson, tinawag na ‘unparliamentary’ ang banat ni Alvarez kontra-Senado

Inquirer file photo

Pumalag si Sen. Panfilo Lacson sa mga birada ni House Speaker Pantaleon Alvarez laban sa Senado.

Ayon kay Lacson, ang mga banat ni Alvarez sa Senado at sa performance nito ay ‘unparliamentary’ at hindi karapat-dapat.

Paliwanag ni Lacson, hindi kailanman maaaring ikumpara ang Kamara sa Senado dahil ito ay kapwa magkaibang katawan at nagtatrabaho ito nang mas independent kaysa sa Mababang Kapulungan.

Giit ni Lacson, walang kahit sino, maging ang Senate President o ang Pangulo man ng bansa ang maaaring makapagdikta sa Senado.

Nag-ugat ang usapin na humantong sa bahagyang sagutan o “word war” nina Alvarez at Senate President Koko Pimentel dahil sa naging pahayag ng House Speaker na isang ‘mabagal na kapulungan’ ang Senado.

Itinanggi naman ito ni Pimentel at sinabing tuksuhan lamang nila ito ni Alvarez at hindi sila magbabangayan dahil magkaibigan sila at magkasama sila sa iisang partido.

 

Read more...