Petisyon kontra-Con-As tiyak na ibabasura ng Supreme Court ayon sa isang lider ng Kamara
Naniniwala si House Committee on Constitutional Amendments Chairman Roger Mercado na maibabasura ang anumang petisyon upang pigilan ang Kongreso na magsagawa ng Constitutional Assembly para sa Federalism.
Ayon kay Mercado, madalas na naka-angkla sa isyung politikal ang inihahain sa Supreme Court ng mga tumututol kaya siguradong hindi ito panghihimasukan ng Korte dahil sa separation of powers.
Paliwanag ng mambabatas, napatunayan na ito ng maraming ulit sa naging desisyon ng korte.
Dahil dito, tiwala si Mercado na agad ding madi-dismiss ang anumang ihahaing petisyon kontra-Constitutional Assembly.
Sakali naman umanong ‘factual’ o ‘constitutional question’ ang ihahaing petisyon, posibleng makialam dito ang Supreme Court lalo na kung talagang may paglabag na hakbang sa Saligang Batas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.