Plebesito para sa Cha-Cha, posibleng sa May 2019 pa maisagawa

By Ruel Perez January 08, 2018 - 11:34 AM

 

Inquirer file photo

Posibleng sa Mayo ng susunod na taon pa maisagawa ang plebisito para sa Charter Change at sa pagpapalit ng sistema ng gobyerno.

Ayon kay Senate President Aquilino Koko Pimentel, dapat noon pang nakaraang taon nila sinimulan sa Senado ang pagtalakay sa pagsusulong ng Federal form of government.

Sinabi ni Pimentel na kanya nang ihahain ang resolusyon na magsusulong ng Federalismo sa pamamagitan ng Constituent Assembly o ‘Con-Ass’.

Sa kabila nito, iginiit naman ni Pimentel na sa hanay ng kanyang partidong PDP-Laban marami na silang ginawang forum-lecture sa iba’t-ibang sulok ng bansa ukol sa Federalismo.

Inamin din ni Pimentel na malabo na ang timeline na May 2018 na target na plebisito.

Kasabay nito nanawagan din si Pimentel sa publiko na habang isinusulong ang Federalismo dapat na mag-research din upang malaman ang kahalagahan nito para sa buhay ng mamamayang Pilipino. (Ruel)

 

TAGS: charter change, charter change

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.