3 patay sa lumubog na bangka sa Laguna de Bay

By Jan Escosio, Mariel Cruz January 08, 2018 - 11:15 AM

Inquirer file photo

Nasawi ang tatlo katao matapos tumaob ang sinasakyang bangka sa Laguna de Bay na sakop ng Taguig City, madaling araw ng Lunes.   Kinilala ng Southern Police District ang mga biktima na sina Evangeline Garcia, 40 years old at Arnold Garcesa, pawang residente ng Dreamland, Barangay Hagonoy, Taguig City; at Jose Rudy Posadas, 55 anyos, naninirahan naman sa GHQ Village, Zone 1, Barangay Katuparan, sa kaparehong lungsod.   Natagpuang wala nang buhay ang mga biktima sa bahagi ng Laguna Lake sa C6, Purok 3, Barangay New Lower Bicutan bandang 12:40 ng madaling araw.   Ayon sa pulisya, sinabi ng nakaligtas na kasama ng mga biktima na si Romel Villar, na sumakay sila ng bangka sa Laguna Lake matapos mag-inuman.   Tumaob aniya ang sinasakyang bangka matapos tamaan ng malaking alon.   Isa pang kasama ng mga biktima na nakilalang si Willy John Guanzon ang nakaligtas din sa insidente. 

TAGS: 3 dead, Boat capsizes in Laguna de Bay, 3 dead, Boat capsizes in Laguna de Bay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.