Panawagan ni Sen. Drilon kay SP Pimentel na ipagtanggol ang Senado, hindi pinatulan

By Ruel Perez January 08, 2018 - 10:01 AM

Inquirer file photo

Hindi na pinatulan pa ni Senate President Aquilino ‘Koko’ Pimentel III ang panawagan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na ipagtanggol ang Senado laban sa banat ni House Speaker Pantaleon Alvarez laban sa Mataas na Kapulungan.

Ayon kay Pimentel, ipinagtanggol at naglabas na siya ng pahayag sa mga naging pagpuna ni Alvarez sa Senado matapos itong tawagin ng House Speaker na “mabagal na kapulungan”.

Pagtatanong ni Pimentel, tila gusto pa yata ni Drilon na magkaroon ito ng ‘word war’ kontra kay Speaker Alvarez.

Iginiit pa ng Senador na malabo na mangyari na makipagbangayan ito kay Alvarez dahil kapwa sila opisyal ng PDP-Laban, samantalang si Drilon ay sa hanay naman ng Liberal Party.

 

TAGS: Franklin Drilon, House Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez, Senate President Aquilino Pimentel III, Franklin Drilon, House Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez, Senate President Aquilino Pimentel III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.