Nagkalat ang tone-toneladang basura sa harapan ng Quiapo Church at sa kahabaan ng Quezon Boulevard sa Maynila.
Ito’y matapos ang isinagawang prusisyon ng mga replica ng Itim na Nazareno kahapon, na dinaluhan ng hindi bababa sa isandaang libo katao.
Ayon sa ulat, kabilang sa mga naiwang basura ay plastic spoons at forks, paper plates, at maging mga diapers.
Dahil sa dami ng naiwang basura, ngayong umaga ay sinimulan na ng mga street sweepers ang paglilinis sa Plaza Miranda sa harap ng Quiapo Church.
Ito’y bilang preparasyon sa isasagawang Traslacion bukas, January 9, na inaasahang lalahukan ng milyun-milyong deboto.
Sa isang panayam, sinabi ni Msgr. Hernando Coronel, rector ng Minor Basilica of the Black Nazarene, bagaman maraming basura, marami namang garbage truck ang nakahandang mangolekta.