Mga pahayag laban kay Justice De Castro, dapat ihinto ng kampo ni Chief Justice Sereno

Inquirer file photo

Umapela si House Speaker Pantaleon Alvarez sa kampo ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na tigilan na ang mga pahayag laban kay Associate Justice Teresita Leonardo-de Castro.

Ayon kay Alvarez dapat ihinto na ang kampo ni Sereno ang pagsasabing mayroong personal grudges si De Castro kaya gumaganti lamang siya sa Chief Justice.

Sinabi ni Alvarez na huwag itong gamiting dahilan at sa halip ay sagutin na lamamg ni Sereno ang mga testimonya ng mga saksi laban sa kanya.

Nakikita na rin anya ng publiko na totoo ang mga alegasyon laban kay Sereno dahil isa-isang napapatunayan ito.

Ayon kay Alvarez, isa-isa rin umanong tumetestigo laban kay Sereno ang mga taga-Korte Suprema patunay lang na may bigat ang mga paratang laban sa Punong Mahistrado.

 

Read more...