P120-M halaga ng smuggled na bigas, nasabat ng PCG sa Zamboanga Sibugay

By Cyrille Cupino January 08, 2018 - 08:20 AM

Nasabat ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 120-milyung pisong halaga ng smuggled na bigas sa Zamboanga Sibugay.

Ayon kay PCG Officer-in-Charge Commodore Joel Garcia, ang smuggled na bigas ay sakay ng barkong M/V-J-SIA na intercept ng kanilang mga tauhan sa Sulu Sea.

Paliwanag ni Garcia, nagsagawa ng intelligence build-up ang Coast Guard upang i-monitor ang mga smugglers.

Ayon kay Garcia, galing ang bigas sa isang foreign vessel na posibleng mula sa Vietnam, at ikinarka ang mga kontrabando sa isang domestic vessel matapos magkaroon ng transfer-at-sea.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PCG upang malaman kung kanino nanggaling at kung sino ang dapat sanang tatanggap ng mga kontrabando.

 

TAGS: philippine coast guard, smuggled rice, Zamboanga Sibugay, philippine coast guard, smuggled rice, Zamboanga Sibugay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.