Bagong silang na sanggol, natagpuang patay sa isang eroplano sa Indonesia

By Rhommel Balasbas January 08, 2018 - 04:43 AM

Natagpuang walang buhay at nakabalot sa plastic bag ang isang bagong silang na sanggol sa isang aircraft toilet sa Indonesia.

Ikinulong ng Indonesian Police ang nanay ng biktima na nakilala sa pangalang Hani, 37-anyos na tubong Cianjur sa West Java at apat na taong nagtrabaho bilang domestic helper sa Abu Dhabi.

Hinihinala ng mga awtoridad na nanganak ang suspek sa kasagsagan ng flight nito sa pamamagitan ng Etihad Airways patungong Jakarta noong Sabado.

Apat na oras matapos lumipad ang eroplano ay nagsimula nang duguin ang suspek dahilan upang ilihis ng piloto ang flight pa-Bangkok.

Isang medical team ang rumesponde upang bigyan ng atensyong medikal si Hani pagkalapag ng eroplano sa Bangkok’s Suvarnabhumi International Airport.

Ayon kay airport police chief Ahmad Yusef, inaalam pa ang dahilan ng pagkamatay ng sanggol.

Hindi naman kukuwestiyunin ang ina ng bata habang hindi pa ito nakakarekober ayon kay Yusef.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.