P4.2T national budget, target ng gobyerno para sa 2019

Kasisimula pa lamang ng 2018 ay sinimulan na ng Department of Budget Management (DBM) ang budget preparations para sa susunod na taon.

Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, aabot sa record high na P4.2 trilyon ang budget para sa 2019.

Mas mataas ito ng 11.5 percent sa naaprubahang P3.767 trilyong pondo para ngayong taon na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noon lang December 19, 2017.

Inilabas na ng kagawaran ang Budget Call para sa 2019 noong January 3 sa ilalim ng National Budget Memorandum No. 129, na bumabalangkas sa ‘budget preparation guidelines and procedures’.

Sa pamamagitan nito, ay bubuoin ng bawat ahensya ng pamahalaan ang kanilang mga budget proposals para sa 2019.

Ayon sa DBM, ang budget proposals ng ahensya ay sasalamin pa rin sa mga polisiyang ipinatutupad ng administrasyon tulad ng 0+10-Point Socio-Economic Agenda ni Duterte, Philippine Development Plan (PDP), mga prayoridad na programa at proyekto sa ilalim ng 2017-2022 Public Investment Program (PIP) at kasama rin ang 2019-2021 Three-Year Rolling Infrastructure Program (TRIP).

Read more...