Mga nakiisa sa prusisyon ng mga replica ng itim na Nazareno, nasa 220,000

Kuha ni Mark Makalalad

Aabot sa 220,000 katao ang nakilahok sa prusisyon ng replica ng itim na Nazareno ayon sa Manila Police District.

Alas-2:00 ng hapon nang nagsimula ang parada sa Plaza Miranda kung saan nasa 650 replica ng Nazareno ang benindisyunan bago ang prusisyon.

Ang ibang imahe ay nakasakay sa karosa habang ang iba ay sa tricycle at truck.

Buong tyagang tinahak ng mga deboto ang kahaban ng Quezon Blvd St papunta ng Claro M Recto diretso sa Loyola St. at Bilibid Viejo St.

Bahagya namang nagkaroon ng pagbagal ang prusisyon sa bahagi ng Z P De Guzman papunta ng R. Hidalgo St. bago nag tuloy tuloy sa Barbosa St at Globo de Oro St hanggang sa bahagi ng Palanca St.

Halos 11 oras ang itinagal ng prusisyon, mas matagal ng isang oras kumpara sa nakaraang taon dahil sa biglang buhos ng ulan.

Read more...