Misa para sa volunteers ng Pista ng Itim na Nazareno, gaganapin ngayong umaga

By Rhommel Balasbas January 08, 2018 - 02:46 AM

Unang beses sa kasaysayan na magkakaroon ng misa alay sa mga volunteers ng Pista ng Itim na Nazareno ngayong taon.

Ayon kay Alex Irasca, isa sa mga opisyal ng organizing committee ng taunang traslacion, ang misang ito ay upang mabigyang oportunidad ang mga volunteers na maranasan ang biyaya ng Señor Nazareno.

Ang misa ay para sa pwersa ng pamahalaan partikular sa Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines, Metro Manila Development Authority (MMDA), Philippine Coast Guard (PCG), Department of Health (DOH) at Department of Public Works and Highways (DPWH).

Handog din anya ito sa mga volunteers mula sa pribadong sektor kabilang ang mga kawani ng media na magcocover ng okasyon at ang mga medical professionals.

Ang misang ito ay ekslusibo sa mga volunteers at ang mga dadalo ay magkakaroon ng pribilehiyo na makahalik sa imahe bago magsimula ang prusisyon.

Magaganap ang misa sa Quirino Grandstand ganap na ika-7 ng umaga sa pangunguna ng parochial vicar ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church na si Fr. Douglas Badong.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.