10 miyembro ng BIFF, patay sa egnkwentro sa Maguindanao
Sampu katao ang patay sa nangyaring engkwentro sa pagitan tropa ng pamahalaan at mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Datu Unsay, Maguindanao, gabi ng Sabado.
Ayon kay Captain Arvin Encinas ng 6th Infantry Division, isa sa mga nasawi ay miyembro ng Philippine Army.
Batay pa sa ulat, isang sundalo naman ang sugatan sa bakbakan.
Samantala, narekober ng mga otoridad ang limang bangkay ng mga hinihinalang miyembro ng rebeldeng grupo.
Naganap ang bakbakan sa Barangay Maitumaig bandang 7:00 ng gabi.
Naglunsad pa ang tropa ng mga sundalo ng airstrike laban sa hindi bababa sa 50 BIFF members.
Patuloy naman ang clearing operations sa naturang lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.