Higit 800 street sweeper, ipapakalat para sa Traslacion 2018

By Angellic Jordan January 07, 2018 - 06:11 PM

Inquirer file photo

Maliban sa 5,000 pulis, magpapakalat din ng mahigit 800 street sweeper sa Quiapo, Maynila sa araw ng Martes, January 9.

Ipinag-utos ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada sa Department of Public Services (DPS) na siguruhing kakaunti ang basura sa dadaanang ruta ng Poong Itim na Nazareno.

Sa isang pahayag, hinikayat ni Erap ang publiko na makiisa para maging mapayapa, malinis at ligtas ang selebrasyon ng pista.

Dapat maging maingat aniya ang mga deboto sa sarili at sa kapaligiran.

Noong nakaraang taon, aabot sa 65 trak ng basura ang nakolekta sa 21-oras na prusisyon.

TAGS: Department of Public Services, Manila Mayor Joseph "Erap" Estrada, Quiapo Church, Traslacion 2018, Department of Public Services, Manila Mayor Joseph "Erap" Estrada, Quiapo Church, Traslacion 2018

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.