Magsasaka, patay sa pamamaril sa Nueve Ecija

By Angellic Jordan January 07, 2018 - 05:57 PM

Google map

Dead-on-the-spot ang isang magsasaka matapos pagbabarilin sa bahagi ng San Antonio-Zaragoza Road sa Barangay Papaya, Nueve Ecija, Sabado ng gabi.

Ayon sa pulisya, sakay sa kanyang motorsiklo, pauwi na sana ang biktima na si Benito Pereña nang bigla itong atakihin ng sumunod sa kaniyang motorcycle rider bandang 7:25 ng gabi.

Nagtamo ng madaming tama ng bala sa katawan ang biktima.

Sa ngayon, alitan sa lupa ang tinitignang motibo ng mga imbestigador sa naturang pamamaril.

TAGS: Barangay Papaya, Benito Pereña, Nueve Ecija, Barangay Papaya, Benito Pereña, Nueve Ecija

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.