PNP chief Dela Rosa, pangungunahan ang Command Conference bukas

Pangungunahan ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang unang Command Conference ngayong taon.

Sa abiso ng PNP Public Information Office, inaasahang iaanunsiyo ni Dela Rosa sa PNP National Headquarters sa Camp Crame ang kaniyang “command guidance” bilang parte ng operational thrusts sa anti- criminality, internal security at anti-drug campaign.

Maliban dito, tatalakayin din ang cash and non-cash benefits ng mga opisyal ng pambansang pulisya sa naturang conference kabilang ang ipinatupad na dagdag-sweldo sa pulis at military personnel.

Samantala, inaasahang present din si Bato sa isasagawang New Year’s Call bago ang nasabing conference sa Camp Crame.

Dadaluhan ito ng mga matataas na opisyal ng PNP Command group, Directorial and Personal Staff, Police Regional offices, National Support Units and Separate Units at kanilang mga asawa.

Read more...