Kinondena ng isang human rights group ang pagpapalaya kay dating Palawan governor Joel Reyes na umano’y sangkot sa pagpatay sa brodkaster na si Gerry Ortega.
Ayon kay Hustisya chairperson Evangeline Hernandez, ikinalulungkot ng grupo ang aniya’y “hasty release” kay Reyes.
Aniya pa, dagdag ang mga korte sa kultura ng kawalang-responsibilidad sa bansa sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Nangako rin si Hernandez ng patuloy na suporta sa pamilya Ortega para makamit ang hustisya sa dating kilalang environmentalist.
MOST READ
LATEST STORIES