John Young, pumanaw na sa edad na 87

By Angellic Jordan January 07, 2018 - 02:27 PM

Courtesy: NASA Twitter

Pumanaw na ang kilalang US astronaut na si John Young sa edad na 87.

Ayon sa National Aeronautics and Space Administration (NASA), komplikasyon dulot ng pneumonia ang naging  sanhi ng pagkamatay ng astronaut noong Biyernes ng gabi.

Sa inilabas na pahayag ni agency administrator Robert Lightfoot, nawalan aniya ng isang pioneer ang NASA at mundo.

Magiging gabay aniya ang nasimulan ni Young para sa susunod na human frontier ng NASA.

Kilala si Young bilang bukod tanging astronaut na nakalabas sa mundo nang anim na beses, nakalipad sa Gemini, Apollo at space shuttle programs ng naturang space agency.

TAGS: NASA, pneumonia, Robert Lightfoot, US astronaut John Young, NASA, pneumonia, Robert Lightfoot, US astronaut John Young

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.