Sunog sa Metro Ayala Mall sa Cebu, idineklara nang fire under control
Idineklara nang fire under control ang sumiklab na sunog sa Metro Department Store sa Ayala Center Cebu bandang 12:45, hapon ng Linggo.
Bunsod nito, sinabi ni Bureau of Fire and Protection-Central Visayas (BFP-7) chief Senior Supt. Samuel Tadeo na inaasahan na ang tuluyang pag-apula sa sunog ngayong araw.
Sa ngayon, patuloy pa rin aniya ang pagbomba ng tubig ng mga bumbero sa kada palapag ng mall.
Paliwanag ni Tadeo, ito ay para matiyak na wala nang matitirang apoy sa buong pasilidad.
Hindi aniya bababa sa P80 milyon ang hinihinalang kabuuang halaga ng pinsala sa nangyaring sunog.
Samantala, nakapag-imbita na ang BFP Central Visayas ng ilang tauhan na magsasagawa ng imbestigasyon para alamin ang pinagmulan ng sunog.
Ayon naman kay Cebu Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) chief Nagiel Bañacia, ibinaba na ang haze alert sa lungsod matapos humupa ang apoy at usok sa naturang mall.
Ikinatuwa aniya ng ahensiya na walang naitalang kaso o biktima ng naranasang kapal ng usok.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.