Mga deboto ng Itim na Nazareno, dagsa na para sa Replica procession

By Angellic Jordan, Ricky Brozas January 07, 2018 - 01:22 PM

(UPDATE) Humigit-kumulang, 80,000 deboto na ang kasalukuyang nakikilahok sa prusisyon ng mga replica ng Itim na Nazareno sa Maynila.

As of 2pm, ngayong araw ng Linggo, sinabi ni Manila Police District (MPD) Spokesman Police Supt. Erwin Margarejo na aabot din sa daan-daang mga replica ng poon ang kalahok sa prusisyon na iikot sa bisinidad ng simbahan ng Quiapo.

Wala pa namang naitatalang anumang untoward incident ang MPD kaugnay sa taunang aktibidad na ito.

Magmumula ang prusisyon sa Plaza Miranda bago lumiko pa-kaliwa sa Quezon Boulevard, kaliwa sa G. Puyat, kanan sa Evangelista Street, kanan ulit sa Recto Avenue, kanan sa Loyola Street, kanan sa Bilibid Viejo sa Puyat Street. Matapos ito, dadaan naman ang replica pa-kaliwa sa Guzman Street, kanan sa Hidalgo Street, kaliwa si Barbosa Street, kanan sa Globo de Oro Street, kanan sa Palanca Street, kanan sa Villalobos Street at pabalik sa Quiapo church.

Inabusihan naman ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MFTEU) ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta para hindi maabala ng isinarang tatlong kalsada para sa prusisyon.

TAGS: Itim na Nazareno, Quiapo Church, Replica procession, Itim na Nazareno, Quiapo Church, Replica procession

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.