Pista ng Nazareno, posibleng ulanin

By Erwin Aguilon January 07, 2018 - 09:39 AM

Inquirer file photo

Posibleng makaranas ng pag-ulan ang taunang Traslacion ng Itim na Nazareno sa araw ng Martes.

Ayon sa PAGASA, magkaroon ng bahagya hanggang sa maulap na papawirin na may manakanakang pag-ulan ang Metro Manila dahil sa localized thunderstorms. Sinabi ng PAGASA na asahan na rin ang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Batanes at Babuyan Islands dahil sa Amihan sa Northern Luzon.

Apektado rin ng weather system ang mga rehiyon ng Ilocos, Cordillera Region, at Cagayan Valley.

Mataas din ang tiyansa ng pag-ulan sa Bicol, Eastern Visayas, Caraga at Davao dahil sa easterlies o hanging mula sa silangan.

Asahan na rin ang pag-ulan sa nalalabing bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao dahil na rin sa localized thurderstorm.

TAGS: Itim na Nazareno, Pagasa, Traslacion 2018, Itim na Nazareno, Pagasa, Traslacion 2018

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.