Kinilala ang biktimang si Richie San Juan, 39 taong gulang.
Ayon kay PO3 Dindo Encina ng Sampaloc Police, bandang 1:45 ng madaling araw nang itawag sa kanilang mga rumurondang pulis ang tungkol sa pamamaril.
Dalawang tama ng bala sa ulo ang tinamo ng biktima na nagresulta sa agaran nitong kamatayan. Muntik namang madamay sa pamamaril ang 15 taong gulang na anak nito na nasa kabilang barung-barong.
Tatlong basyo ng baril ng hindi pa batid na kalibre ng baril ang narekober ng mga otoridad mula sa pinangyarihan ng insidente.
Samantala, matapos malaman ang tungkol sa pamamaril ay agad na nagsagawa ng followup operation ang mga otoridad, kung saan nahuli nila ang mga suspek Omar Abdula alyas Aljon Undo at kasamahan nitong si Joemar Advincula.