Drug war at police scalawag target ni PNP Chief Dela Rosa sa kanyang extension

By Justinne Punsalang January 07, 2018 - 05:30 AM

Pagtutuunan ng pansin ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa kanyang tatlong buwang ekstensyon sa posisyon ang mga police scalawag, bukod pa sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

Ani Dela Rosa, gagawn niya ang lahat ng kanyang makakaya sa loob ng tatlong dagdag na buwan para maresolba ang problema sa loob ng PNP at umaasa siyang malilinis niya ang pulisya mula sa mga tiwaling alagad ng batas.

Sa kanya namang mga nakaraang mga talumpati ay binigyang diin ni Bato ang layunin ngayon ng PNP na hulihin ang mga taong sangkot sa illegal drug trade sa bansa.

Aniya, mas magiging maingat na silang mga pulis ngayon, kasunod ng mga pambabatikos ng iba’t ibang human rights group dahil sa sunod-sunod na pagpatay sa mga drug suspects.

Matapos ianunsyo ng pangulo ang pagpapalawig ng panunungkulan ni Dela Rosa ay ngayon lamang isinapubliko ng PNP chief ang kanyang ‘special mission.’

Nakatakda sanang magretiro mula sa pagka-pulis si Dela Rosa sa ika-21 ngayong buwan kung kailan nito maaabot ang mandatory retirement age, ngunit dinagdagan ng pangulo ng tatlong buwan ang panunungkulan nito.

Sa pagreretiro ni Dela Rosa sa Abril ay inaasahan naman itong manungungkulan bilang pinuno ng Bureau of Corrections.

TAGS: Dela Rosa to focus on police scalawags after term extension, Dela Rosa to focus on police scalawags after term extension

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.